Ang tinatawag na myoma o uterine fibroid ay tumutubo na parang bukol sa loob o sa labas ng sinapupunan. Hindi ito cancer. Sa ngayon hindi malinaw ang dahilan nito, subalit may impluwensya ang estrogen at progesterone hormones sa paglaki nito.
Kalahati ng may myoma ay walang sintomas. Kung may sintomas man, ito ay madalas hindi malala at hindi kailangan gamutin. Marami rin sa mga myoma ay lumiliit o nawawala ng mag-isa sa pagsapit ng menopause.
Ang maaaring maging sintomas ang myoma ay ang mga sumusunod:
-Abnormal, malakas at matagal na regla. Bleeding at spotting sa pagitan ng mga menstrual period.
-Anemia o kakulangan ng dugo dahil sa sobrang regla
-Masakit na tiyan, baywang o likod habang nagtatalik.
-Madalas at hindi mapigilan na pag-ihi. Madalas na urinary tract infection o u.t.i.
-Constipation
-Hindi mabuntis
-Problema sa panganganak katulad ng premature labor at miscarriage o abortion.
Maiging komunsulta sa doktor kung:
-Kung masyadong malakas ang inyong regla
-Kung biglang masakit ang inyong pagreregla
-Kung madalas at masakit ang pag-ihi, may dugo sa ihi o walang control ang pag-ihi
-Kung humahaba at irregular ang inyong menstrual cycle
- Kung sumasakit na ang inyong puson.
Matapos ng pelvic exam, maaaring magpagawa ang inyong doctor ng pelvic ultrasound o kaya MRI kung kakailanganin.
Kapag malaki na ang myoma at malala na ang mga sintomas katulad ng hindi mabuntis, miscarriage, sobrang bleeding, pelvic pain, anemia, at iba pa, kailangan na itong alisin.
Kung maaari, ang bukol o ang myoma lamang ang aalisin. Ang tawag dito ay myomectomy. Ngunit kapag minsan, dapat alisin rin pati ang uterus kaya hysterectomy na ang gagawin.
Huwag kayong matakot na ipatanggal ito kasama ang uterus lalo na kung tapos na ang panahon ng panganganak. Malaking ginhawa ang maidudulot ng pag-alis nito sa inyong pangkalahatang kalusugan at pagkilos.
Ang food poisoning ay dahil sa pagkain ng mga pagkaing puno ng masasamang bacteria o toxins. Madalas mangyari ang pagkalason dahil sa dami ng bacteria sa ating kapaligiran na sumisira ng pagkain.
Ang pinakamadalas na sanhi ng food poisoning ay ang pagkain ng gulay at prutas na hindi nahugasan, kulang sa luto na karne, manok, itlog, at panis na gatas.Ang mga bacteria na madalas pinang-gagalingan ng lason ay ang salmonella, listeria, campylo-bacter, at e.coli.
Upang maiwasan ang food poisoning kailangan mag-ingat sa paghahanda, paghuhugas, pagluluto at pagtatago ng mga pagkain. Gawing palaging malinis ang mga kamay at hapag na pinaghahandaan ng pagkain. Suriing mabuti ang lagay ng lumang pagkain.Tiyakin na hindi ito panis at initing mabuti.
Kung minsan mabilis ang epekto ng food poisoning. Sa loob ng ilang oras lamang masama na kaagad ang lagay ng tiyan. Kung minsan naman lilipas muna ang ilang araw bago sumama ang pakiramdam. Kung hindi matindi ang impeksyon, kusa itong nawawala. Kapag matindi ang tama, kailangan kumonsulta sa doktor upang mabigyan ng kaukulang gamot. O di kaya ay dalhin ang may sakit sa ospital. Maaaring kailangan siyang bigyan ng intra-venous supplement dahil dehydrated ito dala ng pagsusuka, diarrhea at mataas na lagnat.
Tiyakin na ang lumang pagkain ay hindi panis. Amuyin ito at tingnan kung mayroong amag na tumutubo. Siyasating mabuti ang expiry date ng mga de lata at iba pang pagkaing nabibili sa grocery. Huwag kainin ang mga expired na. Takpan palagi ang pagkain upang di madapuan ng langaw, ipis o daga. Lahat ng mga ito ay may dalang mikrobyo at lason na makapagpapasama sa anumang pagkain. Ilagay kaagad sa refrigerator ang mga tirang pagkain. At kahit refrigerated, alamin pa rin kung ilang araw ito maaaring tumagal bago masira.
Pagmainit ang panahon lalong madaling masira ang pagkain. Ang mga pagkaing may sauce ay sirain din. Huling paalala: Ingatang mabuti ang mga bata. Dahil madalas hindi pa nila alam kung alin ang sirang pagkain sa hindi.
Ang buto ay buhay katulad ng inyong puso, utak at balat. Ito ay maaaring masira at rumupok ngunit maaari din itong nanibago, at lumakas.
Pinalalakas ng katawan ang buto sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalit ng mga lumang bone tissue ng bagong bone tissue. Subalit ang osteoporosis ay nakapipigil ng prosesong ito. Dahil sa osteoporosis, maraming lumang bone tissue ang naaalis ngunit hindi ito napapalitan ng bago. Ang resulta, nagiging marupok ang buto na siyang sanhi ng pagkabali o fracture kalimitan sa wrists, hips, at spine; pananakit ng buto lalo na sa likod, at pagkakuba ng mga matatanda.
Ang osteoporosis ay kadalasang sakit ng ss:
babaeng menopause na;
sa mga may kulang sa calcium at vitamin D sa katawan;
sa mga masyadong payat;
sa mga hindi nag-eehersisyo;
malakas uminom ng alak,
sa mga naninigarilyo;
sa mga ginagamot ng steroids.
Hindi totoo na ang osteoporosis ay sadyang kasama at bahagi ng ating pagtanda. Ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagkain ng balanced diet rich in vitamin D and calcium, sa pag-eehersisyo katulad ng walking, dancing at calisthenics, at sa pag-iwas sa smoking at sa pag-inom ng alcoholic beverages.
.
Kaya why don’t you walk, run and dance away from osteoporosis to stay healthy?
November 2, 2007
92
Osteoporosis Part 2: Calcium, Vitamin C and Minerals
Ang osteoporosis ay mas malamang na sakit ng mga babaeng nasa menopause na.
Ngunit ang osteoporosis ay hindi sakit ng pagtanda. Ito ay sanhi ng kakulangan sa calcium, Vitamin D at ehersisyo ng mahabang panahon, kaya nagiging marupok ang buto na siyang dahilan ng mga fractures sa bisig, baywang, spine,at nagiging dahilan ng pagkakuba habang tayo ay tumatanda.
Prevention ang panlaban sa osteoporosis.
Kailangan ang calcium upang gumana ng maayos ang puso, nerves at sa maayos na clotting ng dugo. Kailangan rin ito sa pagpapatibay ng buto. Dito sa atin at maging sa ibang parte ng mundo ang mga babae ay kulang na kulang ang calcium intake para sa malusog na buto.
Depende sa gulang, tinataya na kailangan ng isang tao ang 1000 hanggang 1300mg ng calcium bawat araw. Ito ay katumbas ng calcium na nalalaman sa dalawa hanggang tatlong baso ng gatas. Karamihan ng mga babaeng postmenopausal ay nangangailangan ng 1300 mg daily. Nakukuha ang calcium sa milk, keso at iba pang dairy products, green leafy vegetables, orange juice at mga breakfast cereals na may dagdag na calcium. Ang pinakamadaling paraan para masiguro na wasto ang ating calcium intake ay ang pag-inom ng gatas o calcium tablets.
Ang Vitamin D naman ay kailangan ng katawan upang ma-absorb ang calcium. Ang vitamin d rin ang pumipigil sa pagtapon ng calcium sa kidneys. Nakukuha ang Vitamin D sa sinag ng araw kaya lang habang tayo’y tumatanda paunti ng paunti ang nasasagap na Vitamin D ng ating balat. Normally, kailangan natin ng 400 to 800 international units ng Vitamin D araw araw. Nakukuha ito sa fortified dairy products, egg yolk, isdang dagat at atay. Ngunit alalahanin rin na kapag sobra ang Vitamin D, masama rin ito.
Kailangan ang weight bearing exercise sa prevention ng osteoporosis, katulad ng walking, jogging, dancing, stair climbing, at hiking.
Kailangan pa ring mag-healthy lifestyle. Kumain ng balanced diet, huwag magsigarilyo at uminom ng alak . Komunsulta sa inyong doktor bago simulan ang exercise at uminom ng nararapat na calcium supplement.
Ang bayan natin ay isa sa maraming bansa na mayroong malaria. Ang malaria ay matatagpuan din sa central at south america, subsharan africa, middle east, oceania at southeast asia. Dito sa atin ang mga lugar na may malaria ay: Mindoro, Palawan, Mountain Provinces at ilang lugar sa Mindanao.
Ang nakakabahala, dumadami muli ang mga kaso ng malaria dito sa atin at sa ibat-ibang rehiyon sa mundo.
Sa buong mundo mahigit sa dalawandaang milyong tao ang nagkakasakit ng malaria. taon-taon. At dalawa hanggang tatlong milyon ang namamatay. Dito sa atin, napabalita noong kamakailan ang pagkamatay sa malaria ng isang tv host at nang kanyang crew. Marami pang iba ang nabibiktima ngunit hindi lang napapabalita.kaya nagpahayag ang bagong secretary of health na bibigyang pansin muli ng gobyerno ang problema ng malaria.
Ang malaria ay impeksyon sa dugo na nakukuha sa kagat ng lamok na may dalang malaria parasite. Makukuha din ito after blood transfusion ng infected na dugo. Inaatake ng malaria parasite ang blood cells at nagiging sanhi ito ng paulit-ulit na lagnat at panggiginaw, paninilaw o jaundice, at anemia.
May apat na uri ng one-celled parasites na tinatawag na plasmodium. Kahit alin dito ay maaaring pagmulan ng malaria. Naililipat ng female anopheles mosquito ang parasite sa tao habang sumisipsip ito ng dugo. Sa apat na uri ng plasmodium parasite isa lamang ang nakakamatay: ang plasmodium falciparum. Ang malaria ay maaaring maging dormant sa katawan at lilitaw uli paglipas ng mga buwan o taon.
Paano nagkakaroon ng malaria ang isang tao? Ano ang mga sintomas nito at papaano ito nadadiagnose?
Na-iinfect ang isang tao pagnakagat ito ng anopheles mosquito na may dalang one-celled malarial parasite na tinatawag na plasmodium. May apat na uri ng plasmodium. Ang isa nito, ang plasmodium falciparum ay maaaring makamatay. Habang kinakagat nang lamok ang tao, nag-iiwan naman ito ng malaria parasite na sumasama sa dugo patungo sa atay. doon lalaki ang malarial parasite at pagkatapos ng isang linggo, lalabas na ito at babalik sa blood stream at aatakihin nito ang red blood cells. Mabilis na dadami and malarial parasite sa loob ng red blood cell hanggang sumabog ang blood cell at kumalat ang mga parasites sa blood stream. Lalaganap ang infection at within 7 to 21 days, mula ng makagat ng lamok ang biktima, lalabas na ang sintomas katulad ng paulit-ulit na lagnat, panggiginaw at pagpapawis. Paglaon ay pwede ring magkaroon ng jaundice at anemia ang may malaria.. Maaari ring mag- diarrhea at magsuka ang biktima. Maaari ring makuha ang malaria sa pamamagitan ng blood transfusion. May pagkakataon na ang malaria ay nagiging dormant at limilitaw uli pagkalipas ng ilang buwan or taon.
Sino ang maaaring tamaan ng malaria at paano ito nada-diagnose?
Kahit sinong nakatira o pumunta sa isang lugar na may mga tao at lamok na infected ng malaria ay maaaring magkasakit nito. Nada-diagnose ang malaria sa pamamagitan ng blood test.
Ang expression na “personalin mo” ay tugmang tugma pagdating sa kalusugan ng isang tao. Dahil may kinalaman ito sa inyong buhay, maigi na malaman ninyo ang tama at epektibong pakikipag-ugnayan sa inyong doctor.
Dahil mahalaga ang oras na inyong ginugugol sa pagkonsulta sa doctor, dapat sulit. Nais naming bigyan kayo ng kaunting payo kung papaano ninyo magagamit ng wasto ang pagdalaw sa doktor.
Samantalahin ang bawat pagdalaw sa doktor. Bago pumunta, gumawa ng listahan ng lahat ng nais ninyong itanong sa kanya. Huwag mag-atubiling itanong kung ano man ang nasa isip ninyo. Linawing mabuti kung kailan at paano inumin ang mga hatol na gamot. Maiging humingi ng written schedule na siya ninyong susubaybayan sa araw-araw.
Linawin sa doctor kung papaano siya makocontact kung sakaling mayroon kang tanong, problema o emergency.
Humingi kayo ng kopya ng inyong medical records pati na ang kopya ng mga blood tests, x-rays at iba pang laboratory results.
Kung kayo’y lilipat sa ibang doktor, humingi ng medical summary sa dati ninyong doktor kung saan nakasalaysay ang inyong medical history at lahat na nagawa ng doktor sa inyo katulad ng mga gamot na kanyang inihatol at mga diagnostic procedures na kayang ipinagawa.
Kung sakaling kakailangin ninyo ang inyong doctor dahil sa isang emergency alamin ng maaga pa kung saan kayo tutungo at anong telephono ang inyong tatawagan.
Huwag ipaubaya ang inyong kalusugan at kaligtasan sa kahit kanino man. Personalin mo ito.
Isa sa pinaka embarassing na kondisyon, lalo na sa mga binata at dalaga ay ang dandruff---balakubak! Kung kayo ay may balakubak hindi kayo nag-iisa. Libo-libo ang mayroon nito.
Ano ang dandruff at bakit nagka-karoon tayo nito?
Ang balakubak ay maaaring sanhi ng eczema, hormonal at seasonal changes, nakapagpapalala dito ang sobrang pagkatuyo o pagka-malangis ng buhok at anit. Mayroong ding isang uri ng fungus na nagpapalala nito. Ang magandang balita ay nakokontrol ito sa pamamagitan ng home treatment lamang.
Gumamit ng antidandruff shampoo. Subukan ang iba’t ibang brand upang alamin kung alin ang mabisa para sa iyo. Mag-shampoo araw-araw upang hindi maipon ang patay na balat sa ulo.
Pagsalit-salitin ang paggamit ng anti-dandruff shampoo at regular shampoo kung natatapangan kayo sa mga kemikal ng anti-dandruff shampoo.
Panatiliing malinis ang buhok. Shampoo-hin at masahihing mabuti ang anit, at banlawang mabuti. Panatilihin ang shampoo ng limang minuto bago magban-law upang umepekto muna ang shampoo. Ulitin ito. Ingatang hindi masugatan ang anit.
Iwasan ang sobrang paggamit ng mga styling gel, hair sprays at mga pomada. Nakakadagdag ito ng langis sa buhok at scalp na maaaring pagmulan din ng allergies.
Alalahanin ding merong dandruff na nagmumula sa stress.
Ang ating paksa ngayon ay tungkol sa paghugas ng kamay. Ito ay walang kinalaman sa pagsisinungaling o maruming kamay dahil sa pangungurakot. Seriously, ang malinis na kamay ay malaking bagay sa kalusugan. Marami sa atin ay nakakalimot na gawin ito palagi at sa wastong paraan.
Ang ating mga kamay ay isa sa pinakamalakas magkalat ng mga mikrobyo sa ating sarili at sa ibang tao. Sa isang iglap naililipat nito ang impeksyon sa mata, sa bibig, sa ilong, o kaya sa mga maseselang bahagi ng katawan.
Hugasan ang kamay kapag ito ay nadumihan, pagkagaling sa toilet, pagkatapos suminga o humatsing sa kamay, matapos humawak ng hilaw na karne, manok o isda, matapos humawak ng basura, matapos dumalaw o mag-alaga ng may sakit, matapos humawak ng mga hayop o mga dumi nito.
Upang malinis ng maigi ang kamay, kapag naghugas, alisin ang singsing at iba pang alahas. Basaing mabuti ng tubig ang kamay. Magsabong mabuti hanggang braso. Linisin ang ilalim ng mga kuko. Gumamit ng malinis na tissue o tuwalya sa pagsara ng gripo, patuyuin ang kamay ng tuwalya o hand dryer. Ingatan na hindi madumihan uli ang kamay sa paglabas ng bathroom.
Paalala: Kung may sugat, i-bandage ito o kaya gumamit ng gwantes kung hahawak ng maruming bagay. Ilayo ang maruming kamay sa mata, ilong o bibig. Parehong mabisa ang liquid soap at regular soap. Kung walang tubig, gumamit ng alcohol o hand sanitizing gel. Hindi masyadong kailangan ang antibacterial soap maliban na lang kung nag-aalaga ng mga may sakit o sa mga nurseries o ibang hospital wards o clinic. Ang malilinis na kamay ay tanda ng malusog na pamumuhay. Whatever you do always keep your hands clean.
Ang rabies ay isang nakakamatay na sakit na sanhi ng rabies virus. Inaatake nito ang central nervous system. Naililipat ang rabies sa tao sa pamamagitan ng kagat ng infected na hayop katulad ng aso, pusa, chongo at iba pa. Ang laway ng hayop na may rabies pagnapunta sa sugat ng tao ay magiging sanhi din ng infection.
Ang mga sintomas ng rabies ay ang sumusunod:
Sakit ng ulo at lagnat
Masakit at namamanhid ang bahagi na may kagat o sugat na nainpeksiyon
delirium at paralysis
muscle spasm
Hydrophobia o pagkatakot sa tubig o aerophobia
pagkatakot sa humihihip na hangin.
Upang maiwasan ang rabies, sundin ang mga alituntuning ito:
Pabakunahan ang inyong alagang hayop. Ang aso at pusa ay dapat pabakunahan pag mga tatlong buwan na ang gulang, at bawat susunod na taon.
Huwag hayaang gumala sa lansangan ang inyong mga alaga.
Alagaan ng wasto ang mga ito. Paliguan palagi, malinis lamang na pagkain ang ibibigay, at laanan sila ng mailinis na tirahan.
Pagnakagat ng aso o ibang hayop na maaring may dalang rabies, ito ang mga dapat gawin
Hugasan kaagad at sabonin ang sugat sabay hugas sa umaagos na tubig. Obserba- han ang hayop sa loob ng labing apat na araw at magkonsulta kaagad sa inyong doktor pag nangyari ang sumusunod:
Nagiging wild ang hayop at tumatakbong walang direksiyon
Naglalaway
kinakagat ang kahit anong bagay
ayaw uminom ng tubig at ayaw kumain
namatay ang hayop sa loob ng observation period.
Kung ang hayop ay hindi maobserbahan dahil ito ay gala, at hinihinalang may rabies magkonsulta kaagad sa inyong doktor o magsadya sa pinakamalapit na animal bite center sa inyong lugar.
Ang kagat o galos na gawa ng mga hayop, gala man o alaga, kahit maliliit ay maaring maimpeksiyon at magkalat ng bacteria sa ibang bahagi ng katawan. May mga hayop na ang galos o kagat nila ay maaring maging sanhi ng rabies o tetanus.
Kung kayo ay masugatan ng hayop na nabakunahan at malusog, sapat na hugasan ito ng malakas na tubig ng limang minuto at lagyan ng antiseptic lotion o cream. Bantayan lamang kung ang sugat ay sasakit o mamumula, magnana, o mauwi sa lagnat. Pagnangyari ito, dalhin ang biktima sa doktor.
Kung ang kagat ay malalim at gawa ng kahit aling hayop lalo na kung hindi kilala o gala,; gawing ang sumusunod:
Kung ang kagat o galos ay dumudugo diinan ito ng malakas gamit ang bandage o tuwalya upang tumigil ang pagdugo;
Hugasan ng malakas na tubig at sabon ng mga limang minuto; patuyuin ang sugat at takipan ng malinis na dressing.
Huwag gumamit ng plaster upang hindi masarhan ang sugat at mag-ipon ang bacteria;
Komunsulta sa doktor upang alamin kung kailangan ang antibiotics, anti-tetanus shots, o rabies vaccine, lalo na kung ang sugat ay malalim o nasa mukha; kung maari hulihin ang hayop upang obserbahan kung ito ay may rabies. Ipahuli ang hayop sa mga kinauukulan; kung hindi na makikita ang hayop at pangangagat ay hindi provoked, maaring kailangan bigyan ng rabies shots kaagad ang biktima.
May mga namamatay dahil sa pag bale wala ng kagat o galos na gawa ng mga hayop. Huwag magbaka sakali, bigyan kaagad ng kaukulang attention ang ano mang uri ng kagat o galos na gawa ng hayop.
Ang diabetes ay isang sakit kung saan tumataas ang level ng asukal sa dugo na nagiging sanhi ng pakasira ng maraming parte ng ating katawan.
May dalawang uri ng diabetes: type 2 at type 1.
Ang type 2 diabetes ay tinatawag rin na mature onset o non-insulin dependent diabetes dahil maaaring lumitaw ito sa kahit na anong gulang. Mas madalas lumabas ito sa mga taong 30 years old and above. 95% ng mga diabetiko ay may type 2 diabetes. Kadalasan ang type 2 diabetic ay hindi nangangailangan ng insulin injections.
Ang type 2 diabetes ay maaaring walang sintomas at nadidiskubre lamang ito kapag matanda na ang tao o kapag nagkonsulta sila sa doktok dahil may sa ibang karamdaman. Ngunit ngayon dumarami na rin ang mga kabataan na nagkakaroon nito.
Ang type 1 diabetes naman ay mas malala na uri ng diabetes. Ang mga mayroon nito ay maaaring mangailangan ng insulin injections dahil ang kanilang katawan ay hindi makagawa ng sapat na insulin. Kapag walang sapat na insulin hindi maaabsorb at magagamit ng cells ng katawan ang asukal o glucose. Ang asukal ay isang basic fuel ng mga cells. Dahil dito tataas ang blood sugar level.
Ang mga sintomas ng type 1 diabetes ay nagsisimula sa pagkabata pa lamang katulad ng biglang pagtaas ng blood sugar, madalas na pag-ihi, sobrang pagkauhaw, madalas na pagkagutom, at pangangayayat.
Ang type 1 diabetes ay paghabang buhay na sakit. Ang magagawa lamang dito ay kontrolin ang blood sugar level by eating a balanced diet, insulin injections at regular exercise.
Ang type 2 diabetes naman nangangailangan ng balanced diet, regular exercise, weight control, medication kung kailangan, at regular monitoring at checkups.
Diabetes ang pangunahing dahilan ng pagkabulag at kidney failure. Risk factor rin ito ng heart disease, stroke at amputation ng paa at binti.
komunsulta sa inyong doktor upang malaman kung kayo ay may diabetes. Maaari rin kayong dumulog o tumawag sa Philippine Diabetes Foundation(531-1278/534-9559), The Institute for the study of Diabetes Foundation, or Phil. Society of Endocrinology and Metabolism.
Ang obese at overwieght ay hindi pareho. Ang taong obese ay sobra-sobra ang extra fat sa katawan at nanganganib na magkaroon ng malulubhang sakit.
Upang matiyak ng mga doktor kung ang tao ay obese, may ginagamit sila na formula sa pagsukat na ang tawag ay body mass index o BMI. Sinusukat muna ang tangkad at bigat ng tao at ang mga numbers na ito ang ginagamit sa pagcalculate ng BMI.
Tumataas ang timbang ng tao kapag mas marami ang calories na nakakain kaysa nasusunog niya. Kaya’t ang sobrang calories ay naiipon bilang fats. Hindi biglaang nangyayari ang katabaan. Matagal na panahon ang lumilipas bago lumaki ng husto ang isang tao.
Ang genes na namamana natin sa ating mga magulang ay dahilan rin ng obesity dahil may kinalaman ang genes sa metabolism o pagsunog ng calories o pag-ipon ng fat. Ito rin ang dahilan kung bakit obesity runs in certain families.
Ang emotions at sedentary lifestyle ay sanhi rin ng obesity. Kapag ang tao ay malungkot, galit, stressed out o bored, mas malakas siyang kumain.
Kapansin-pansin rin ito sa mga walang oras na magluto sa bahay at madalas na lamang kumain sa mga fast food outlets na kadalasan ang mga pagkain ay matataas sa fat and calories.
Maraming sakit ang nagmumula sa obesity katulad ng asthma, altapresyon, diabetes, stroke, sakit sa puso, bladder problems, at problema sa reproductive system.
At isa pa, ang obesity ay dahilan rin ng depression. Sa kasamaang palad, kung ikaw ay depressed lalo kang kakain ng marami at hindi mag-eehersisyo. Kaya ito ay nagiging isang vicious cycle.
Hindi maganda ang pakiramdam ng sobra ang taba sa katawan. Maliban dito tiyak na darating ang araw na lilitaw ang iba’t ibang uri ng sakit na dulot ng obesity.
Sugpuin kaagad ang tendency na tumaba lalo na sa mga bata.
Kung ang inyong anak ay lumalaki nang mas mabilis kaysa normal, kailangang bigyang pansin ito kaagad.
Ang tangkad at laki ng katawan ng bata ay may kinalaman kung siya ba ay obese o hindi. Ang bata ay obese kung 20 percent or more ang sobra ng timbang niya sa kanyang ideal body weight para sa kanyang height.
Kung may family history ng obesity mas malaki ang tsansa na ang bata ay maging mataba rin lalo na kung ang nanay at tatay ay parehong matataba. Ang mas mataas na fat content sa pangkaraniwang pagkain ng Pilipino at kakulangan sa exercise ay malaking dahilan ng obesity sa mga bata. Ang matabang bata ay malamang maging mataba rin sa kanyang pagtanda.
Sa tulong ng inyong doktor, gumawa ng chart ng pagtangkad at pagbigat ng bata upang tiyakin na normal ang kanyang paglaki. Bigyan rin siya ng balanced na pagkain. Kung kailangan ang magdiet, planuhin ito kasama ang doktor o registered dietician upang makagawa ng wastong nutritional guide na susundin ng pangmatagalan. Huwag kalimutan na dapat may exercise component rin ito.
Mapanganib sa kalusugan ang obesity. Kapansin pansin sa mga dalubhasa na ang mga batang obese ay may panganib na magkaroon sa kanilang pagtanda ng matitinding sakit, katulad ng sakit sa puso at ugat, diabetes, arthritis at ilang mga cancer.
Upang maiwasan ang obesity at magkaroon ng healthy eating habits ang pamilya, bigyang pansin ang mga sumusunod:
Alisin ang mga unhealthy foods sa bahay. Ilagay ang mga healthy snacks sa madaling makita at maabot na lugar. Isama ang mga bata kapag nag-exercise. Limitahan ang computer at tv time ng mga bata at ipagbawal ang pagkain sa tapat ng tv. Iwasan ang mga malalangis na pagkain at iwasan rin ang kumain sa mga fast food o mga kainan na ang menu ay nakakataba.
Tandaan, kung kayo’y nababagabag na ang inyong anak ay mukhang tumataba, huwag pagalitan ang inyong anak upang siya ay magdiet. Gamitin ang positive reinforcement. Hikayatin ang buong pamilya na mag-exercise at tiyakin na balanse ang pagkain para sa buong pamilya.
Traydor ang alta presyon. Madalas na hindi ito nahahalata o di kaya napagkakamalan ang mga sintomas nito na galing sa ibang sakit. “Silent-killer” ang tawag dito. Libo-libo sa ating kababayan ang nagiging inutil o namamatay taon dahil sa sakit na ito.
Ang alta presyon ay namamana o di kaya sanhi ng stress, overweight, pagkain ng maaalat, kidney disease at tumor ng adrenals. Kailangan iwasan ang mga preventable causes at kung mayroon na kayo, kontroling maiigi ng hindi madamay ang mga maseselang bahagi ng katawan katulad ng utak, atay at puso.
Ang ating puso ang siyang bomba na nagpapaikot ng dugo sa ating buong katawan. Nasisira ito ng alta presiyon dahil sa mga sumusunod:
Coronary artery disease: Ang mga ugat na nagsu-suply ng dugo sa puso ay tumitigas, kumakapal at sumisikip ang daluyan ng dugo patungo sa puso. Pagmumulan ito ng pagbabara na magdudulot ng pananakit ng dibdib o angina at maaaring humantong sa heart attack. Ang kakulangan ng dugo patungo sa muscles ng puso ay maaaring maging dahilan din ng di pantay na pagpintig nito o arrhythmia. Napatunayan na ang mga mayroong alta presiyon ay mas malamang mamatay sa atake sa puso kaysa sa mga taong walang alta presyon.
Dahil sa paninikip ng ugat sa puso dala ng alta presiyon, mahihirapan ang puso sa pagbomba ng dugo at lalaki ito o magiging dahilan ng enlargement of the heart. Ang kakulangan ng dugo sa heart muscles ay mauuwi din sa heart failure. Ang enlargement of the heart at heart failure ay maaaring maging dahilan ng heart attack, o sudden cardiac death.
Habang maaga, umiwas sa alta presyon:
maintain the right weight;
iwasan ang stress;
avoid salty foods.
magpakuha ng blood pressure o magpa-chek up sa inyong doktor, alamin kung mayroon ba kayong alta presiyon.
Kapag humina ang capacity ng puso sa pagbomba ng dugo nauuwi ito sa hapo, panghihina ng katawan at pamamanas. Ang kondisyon na ito ang tinatawag na congestive heart failure. Ano ang pinagmumulan nito?
Uncontrolled na altapresyon, sira sa puso dahil sa heart attack, sobrang alcohol, virusat pagkakaroon ng impekyon sa puso.
Ang mga sintomas ng congestive heart failure ay ang sumusunod:
Madaling pagkapagod, pagkahapo, biglang akyat ng timbang na mahigit sa limang libra sa isang linggo, biglang pamamanas sa binti, umuubo sa gabi at nangangailangan ng mataas na unan sa paghiga, mabigat o masakit na dibdib, hindi bumababa ang timbang kahit umiinom ng water pills.
Kung mayroon kayong mga palatandaan na ito, pumunta sa doktor o pinakamabuti sa isang cardiologist upang mabigyan kayo ng kaukulang gamot at payo.
Tiyak na ipagbabawal ng doktor ang maalat na pagkain katulad ng tuyo, daing, mga de lata, dahil ang asin sa katawan ay nagpapa-retain ng tubig. Kokontrolin ang inyong blood pressure sa pamamagitan ng gamot at hahatulan kayo ng tamang exercise.
Huwag uminom ng ibang gamot na hindi alam ng inyong doktor. May mga gamot na masama sa congestive heart failure katulad ng naproxen at iburofen na mga gamot sa arthritis. Ang mga ito ay nagpapa-retain ng fluid sa katawan.
Good management ang kailangan sa congestive heart failure. Sundin ang inyong doktor, inumin ang mga gamot sa takdang oras, kumain ng wastong pagkain, at mag-ehersisyo.
Kung gagawin ninyo lahat ito maiiwasan ninyo ang ma-hospital.
Ang cholesterol ay organic substance na matatagpuan sa laman ng hayop. Ginagawa din ito ng atay natin. Walang cholesterol na nagmumula sa mga tanim at isda
May kabutihan ang cholesterol sa katawan ngunit may kasamaan din ito. Component ito ng bile salts, body tissues at hormones. Ngunit component din ito ng fatty substance na ang tawag ay atheroma. Naninikit ito sa walls ng mga ugat at pinatitigas at pinasisikip ito. Ang resulta? Sakit na atherosclerosis, isa sa madalas na dahilan ng heart attack kapag nababara ang daloy ng dugo patungo sa muscles ng puso.
Ang cholesterol ay may kahalo na lipoprotein na siyang tagadala nito sa dugo. Ang cholesterol ay nagiging mabuti o masama dahil sa lipoprotein. Ang low density lipoprotein o LDL cholesterol ang masama o bad cholesterol. Ang high density lipoprotein o HDL cholesterol naman ang mabuting cholesterol.
Dinadala ng LDL ang cholesterol sa mga body cells. Kapag masyadong marami ang nadepositong cholesterol sa mga cells, mas malaki ang tsansa na magkaroon ang tao ng atheroschlerosis at magka-heart attack.
Ang HDL o high density lipoprotein ay inilalayo sa body cells ang cholesterol at inaalis sa dugo kaya kapag mas marami ang HDL, naiiwasan ang atheroschlerosis pati na rin ang heart attack.
Gumawa ng sapat na cholesterol ang ating katawan kaya hindi na kailangan ang diet na maraming cholesterol. Ang ilang pagkaing maraming cholesterol ay dilaw ng itlog, mga laman loob, taba ng baboy, manok at baka, hipon, alimango, mga produktong gawa sa gatas ng baka katulad ng mantequilla, queso, ice cream at iba.
Kapag namamalengke, bilhin ang mga sangkap na halos walang taba. Tiyakin na ang mga de latang bibilhin ay low in cholesterol, saturated fats, at salt content. Ang dagdag na masasamang cholesterol ay nakukuha lamang sa pagkain kaya maaari talagang iwasan ito upang mapalayo sa sakit sa puso at ugat.
Noong araw pinaiinom ang mga bata ng cod liver oil dahil sa vitamin D content nito. Sa totoo lang hindi natin kailangan ang vitamin D ng cod liver oil dahil nasa tropical zone tayo at sobra na ang nakukuha nating vitamin D mula sa init ng araw.
Ngayon, bumabalik na naman ang cod liver oil at iba pang fish oils tulad ng shark liver oil dahil sa omega 3 fatty acid content ng mga ito. Mabuti na lang kapsula na ngayon ang mga ito at hindi yung dating liquid o emulsions na napakasama ng lasa.
May health value nga ba ang omega-3 fatty acids na nakukuha sa fish oil? Here are the facts:
Ang omega-3 fatty acids ay natatagpuan sa fish oil o taba ng isda lalo na yung mga deep sea fish tulad ng tuna, galunggong, tulingan, tanigue, salmon at iba pa.
Nagkaroon ng interes sa omega-3 fatty acids noong mapagalaman na ang mga eskimo na malakas kumain ng taba ng isda, seal, at whale ay pambihirang magkaheart attack. Sinundan pa ito ng ibang pag-aaral kung saan napatunayan na maski sa ibang lugar, ang mga kumakain ng maraming isda ay mas mababa ang rate ng heart diease.
Ang omega-3 fatty acids na nakukuha sa fish oil ay nakapagpapataas ng good cholesterol, nagpapababa ng triglyceride, nakaka-prevent ng blood clots sa loob ng mga ugat at nagpapababa din ng blood pressure. Dahil dito nakakatulong ang omega-3 fatty acids sa fish oil sa pagsugpo ng heart disease bagama’t wala itong epekto sa total cholesterol level at sa IDL o bad cholesterol.
Sa kabuuan, mayroong pakinabang na makukuha sa fish oil, o omega-3 fatty acids.
Gusto lang naming bigyang diin na ang pinakamahusay na paraan ng pagkuha ng fish oil ay ang pagkain ng isda at hindi ang pag-inom ng fish oil capsules.
Bukod sa fish oil o omega-3 fatty acids ay marami pang ibang sustansiya tulad ng protina na makukuha sa isda na mahusay para sa ating nutrisyon at kalusugan. Ang mga ito ay wala sa fish oil capsules.
Kaya’t kung gagasta din kayo para sa fish oil, ang bilin nyo na lang ay isda at hindi fish oil capsules.
Marami ang nagtatanong tungkol sa nababalitaan nilang bisa na naidudulot ng omega-3 oils. Totoo nga ba ito? Anong kabutihan ang ipinangangako nito?
Ang omega-3 fatty acid, ay isang uri ng polyunsaturated fat na nakukuha sa isda, gulay at mga nuts. Halimbawa ang isdang tulingan, isa sa pinakamalaking source ng dalawang uri ng omega-3 oils, ang EPA o eicosapentenoic acid, at DHA o docosahexanoic acid. Ang mga fatty acids na ito ang tumutunaw ng blood clots na sanhi ng heart attack, inaayos ang arrhythmias o irregular heart beat, nakapagpapababa ng alta presyon at triglycerides. Kaya inirerekomenda ng mga doktor na tayo ay madalas kumain ng isda lalo na ang may mga sakit sa puso. May mga tanim o gulay na source din ng polyunsaturated fats tulad ng omega-6 oils na ang tawag ay ALA o alpha linolenic acid. Isa sa mayamang sources ng ALA ay ang canola oil.
Walang official recommended dose ng omega-3 oils. Ngunit napatunayan na 500mg ng EPA o DHA, o 1,500mg ng ALA bawat araw ay mahusay sa ating kalusugan. Ang pagkain ng mga kalahating kilong isda sa isang linggo ay itinatayang sapat.
Kung hindi kayo mahilig sa isda maaari ding kayong uminom ng fish oil capsules, ngunit higit na mabuti ang kumain na lamang ng isda. Maraming iba pang sustansiya na makukuha dito na wala sa fish oil supplements.
Bago magsimulang uminom nito makabubuting kumonsulta muna kayo sa inyong doktor.
Ang amebiasis ay sanhi ng parasite na entamoebahystolytica. kahit sino ay pwedeng tamaan nito. pangkaraniwang ang sakit na ito dito sa atin.
Maari kayong mainfect ng entamoeba histolytica pag napunta sa bibig ang kahit anong bagay na nacontaminate ng dumi ng tao na infected ng parasite na ito; pagnakalunok ng pagkain o tubig na contaminated nito; pag napunta sa bibig ang mga itlog ng parasite.
Ang mga sintomas nito ay buris na dumi, masakit na tiyan na may kasabay na cramping, ang mas malala na version nito ay ang amebic dysentery na may kasabay na dugo ang dumi, lagnat at dehydration.
Ang mapasukan ng histolytica ay magkakaroon ng amebiasis sa loob ng 1 hanggang apat na linggo. kung palagay ninyo mayroon kayong amebiasis dumulog kaagad sa doktor upang mabigyan ng kaukulang lunas.
Mahirap tiyakin ang sakit na amebiasis. stool examination ang paraan upang alamin ito maaring ulit-ulitin and stool examination dahil minsan hindi nakikita kaagad ang parasite sa isang examination lamang. marami din ang ibang parasite na sa unang tingin ay kahawig ng histolytica.
May mga antibiotics na angkop sa amebiasis. kailangan doktor ang magpre scribe nito.
Maiiwasan ang amebiasis, lalo na kung pupunta kayo sa lugar na mayroon nito. uminom lamang ng bottled water o tubig na pinakuluan ng isang minuto; huwag uminom sa drinking fountain o mga inumin na may ice cubes; huwag kumain ng mga prutas na hindi kayo mismo ang nagbalat; huwag uminom ng gatas o ibang dairy products na hindi past-eurized; huwag uminom o kumain ng mga ibinibenta sa tabing daan.
Maaring ikalat ang amebiasis sa ibang tao. ngunit kung ang may sakit ay ginagamot ng antibiotic at maingat sa personal hygiene, maiiwasan ito. magsabon ng mga kamay pagkatapos magdumi, magpalit ng lampin at bago humawak ng pagkain.
Pambihirang pumunta ang e. histolytica sa atay, sa baga o sa utak.
Madalas nararandaman ang back pain sa mababang bahagi ng likod dahil ito ang
nagsusuporta ng karamihan ng bigat ng katawan. maaring ang pananakit ay nagmumula sa spine, muscles, nerves, structures o organs na malapit dito.
Ang mga sintomas ng lower back pain ay tingling o burning sensation, dull o sharp pain, o panghihina sa paa at binti. ang pangkaraniwang back pain ay kusang nawawala pagkalipas ng 4 to 6 weeks. ngunit kailangan alam din ninyo kung kailang magkonsulta sa doktor.
Dalawa ang uri ng lower back pain, acute o short term na tumatagal ng isang buwan; o chronic o long term na tumatagal ng mahigit sa tatlong buwan.
Hindi isang pangyayari lamang ang dahilan ng back pain. nandiyan ang maling kilos katulad ng matagal na pagtayo at pag upo araw-araw o pag buhat ng mabibigat. hanggan isang araw biglang pagyuko o may inaabot, o bumuhat ng mabigat na bigla na lamang sasakit ang likod.
Dahilan din ng lower back pain ang sumusunod: fractures sa spine dahil sa osteoporosis; nanigas na muscles; slipped disc; masamang alignment ng vertebrae; spinal stenosis; sira na muscles or ligaments sa likod; at scoliosis. maari ding dahilan ang bladder infection; bato sa kidney; endometriosis; cyst o cancer ng ovary; o sakit sa testicle.
Mali ang akala na kailangan ang bed rest. itigil ang physical activity ng ilang araw lamang. lagyan ng yelo ang masakit na lugar sa loob ng 48-72 hours at sundan ito ng pagamit ng pampainit; uminom ng ibuprofen o ibang pain relievers. matulog sa fetal position na may unan sa pagitan ng hita at binti o kung patihaya matulog maglagay ng unan sa ilalim ng tuhod.
Iwasan ang pagbuhat ng mabibigat sa loob ng anim na lingo. simulan ang ehersisyo pagklalipas ng dalawa o tatlong linggo. huwag mag stretching pagmagaling na ang sakit sa pamamahala ng therapist. kung naghihinala ang doktor na ang dahilan, maselan ang dahilan kagaya ng injury dahil sa aksidente, kanser , etc. maaring iutos niya ang pagawa ng mag, x-ray o iba pang uri ng imaging tests. ang opersiyon ang pinakuhuling option.
A complete exercise program ang kailangan upang maiwasan ang back pain. kasama dito ang walking, swimming, stationary bicycle, stretching at strength training. dapat matoto din magrelax. subokan ang yoga, taichi at massage
And Adoption o pag ampon ay isang legak na proseso ng pagbibigay ng permanenteng pamilya sa mga bata na ang magulang ay hinatulan ng Estado o kusang loob na isinuko ang karapatang pangmagulang.
Ang umiiral na Batas tungkol sa Adoption ay ang Domestic Adoption Act of 1998 o Republic Act 8552. Ayon sa batas na ito, and Department of Social Welfare and Development ang mamamahala ng proseso ng Adoption hanggang mapagtibay ito ng Husgado at makuha ng Adoptive Parents ang Bata sampu ng mga papeles na nagpapatunay na lehitimo ang pagampon.
Ang Adoption Resources and Referral Office (ARRO) sa Central Office at Adoption Resources and Referral Unit (ARRU) sa 16 DSWD Field Offices ang siyang sentro ng implementation, monitoring at coordination ng domestic adoption. Iisa lamang ang lisensyadong NGO na maaaring humawak ng adoption cases. Ito ang Kaisahang Buhay Foundation (KBF).
Kahit sinong Filipino Citizen na nasa wastong gulang at mas matanda ng labing anim na taon kaysa sa batang inaadopt, na may kakayahang gampanan ang mga tungkulin bilang magulang, ay maaaring magampon. Maari din mag adopt ang isang dayuhan mula sa bansang mat diplomatic relations at Inter-Country Adoption Agreement sa atin. Nangangailangan ang dayuhan ng Certification ng kanyang Embahada na Qualified siyang mag-adopt ayon sa batas ng kaniyang bayan.
Maaing amponin ang batang wala pang 18 taon, at naitala ng Husgado na Free for Adoption tulag ng mga batang hindi na matunton ang mga magulang. Ang mga batang boluntaryong binigay ng mga magulang for adoption ay hindi na nangangailangan ng legal proceedingd. Kung patay na ang mga magulang ng bata kailangan palipasin muna ang anim na buwan bago gawin ang adoption.
Ang adoption o pag ampon ay legal na proseso na saklaw ng domestic adoption act of 1998 o republic act 8552. Inuutos ng batas na ito na tungkulin ng dept. Of social welfare & devt. Na pamahalaan ang proseso ng pag-ampon hanggang maipagtibay ito ng husgado at matiyak na inaaruga ng mabuti ng kanyang bagong magulang ang batang ampon.
Ang isang filipino citizen ay maaaring mag ampon basta’t siya ay mas matanda ng 16 taon sa kanyang aamponin. Kinakailangan ding pasado siya sa pagsusuri ng dswd. Ang isang dayuhan ay maaari din mag-ampon basta’t ang kanyang bayan ay may diplomatic relations at inter-country adoption agreement sa atin. Kailangan ding patunayan ng kanyang embajada na qualified siyang mag-adopt ayon sa batas ng kanilang bansa.
Maaring amponin ang isang batang wala pang 18 taon, na naitalaga ng husgado na free for adoption; ang mga batang hindi na matunton ang mga magulang, at mga batang boluntaryong binibigay ng magulang for adoption.
Humigit-kumulang tumatagal ng isa hanggang dalawang taon ang adoption process. May gastos ang adoption para sa lawyer’s fees at filing and publication fees.
Nagsisimula ang adoption process sa pre-adoption counseling/ seminar para sa prospective adoptive parents sa dswd. Kasunod nito ang pagsumite ng application form pati ang mga nararapat na documento sa dswd regional adoption resource and referral unit.
Magkokonduct ang social worker ng interview at home visits sa aplikante at mga kamag-anak nito upang alamin ang kanilang kakayahang emotional/ psychological/physical maging magulang at capacity to provide materially at emotionally para sa bata. Ang approval o disapproval ng application ay gagawin ng DSWD REGIONAL DIRECTOR ayon sa rekomendasyon ng social worker.
May impormasiyon na nagsasabi na may bisa na sa kalusogan ang alcoholic drinks. sa kabila naman may nagsasabi na masama ito. ano ba talaga ang katotohanan?
Ang tinatawag na moderate drinking ay paginom ng dalawang drinks bawat araw ng lalake na wala pang 65 anyos, o isang drink para sa babae o lalake na mahigit na sa 65 anyos. ang tinatawag na “drink” ay 12 ounces ng beer, o 5 oz. ng wine, o 1.5 oz ng distilled na inomin katulad ng scotch o gin. isaisip na ang matatanda ay hirap ibreak down ang alcohol, sa kaya madali sila malasing at maapektohan ang kanilang kalusogan.
Kailangan bang iwasan ang alcohol? ikaw at ang iyong doktor ang dapat magpasiya. ito ang mga facts:
May benepisiyo sa moderate na paginom: nababawasan ang risk na magkasakit sa puso at mga ugat; bumababa ang risk ng heart attack at ischemic strokes, naiibsan din angrisk sagallstones at diabetes
Sa kabilang dako ang labis na pag iinom maaring dahilan ng: cancer ng pancreas, bibig, lalamunan, atay at suso; malamang ang pancreatitis sa mga matataas ang triglycerides; biglang pagkamatay kung may sakit sa puso; stroke ; at-rophy o panliliit ng utak;
cir-hosis sa atay; miscarriage sa mga buntis; fetal alcohol syndrome at pagkaanatala ng nervsous system development ng mga batang nasa sinapupunan; mga aksidente; at suicide.
Ang may history ng hemorrhagic stroke, sakit sa atay, sakit sa pancreas at precancerous condition sa lalamunan, ay huwag dapat uminom. ganon din ang may family history ng alcoholism at mga buntis na babae.
Masama ang alcohol paghumalo sa mga gamot katulad ng antibiotics, anticoagulants, antidepressants, gamot sa diabetes, beta blockers sleeping pills at iba pa. pagnaghalo sa aspirin, lalakas ang bleeding sa bituka ng may ulcer. pag sa paracetamol maaring masira ang atay. Mag konsulta sa doktor upang tiyakin ang mga panganib na ito.
Huwag mapressure na uminom. o magsimula uminom. kung umiinom na kayo, tiyakin na katamtaman lamang ito.
Mahirap baguhin ang pangaraw araw na gawi ngunit narito ang limang paraan tungo sa malusog na pusot katawan:
No.1: iwasan ang taba at cholesterol katulad ng mantikilya, margarine, shortening, mantikang galing sa taba ng hayop, bacon, cream sauce, at gravy. gamamit ng low fat substitutes at mono at poly-unsaturated oils, katulad ng olive oil, canola oil, at margarine na trans fat free.
No. 2: piliin ang mga low fat sources ng protein katulad ng isda, skim milk, karne ng manok na walang balat, mga karne na walang taba, legumes katulad ng lentils, mongo, cadios, peas at lentils. ang beans ay mabuti para sa puso katulad ng isda. ang salmon at bangus ay may maramihng omega-3 fatty acids na nagpapababa ng triglycerides.
Iwasan ang full fat milk at iba pang dairy products, atay, egg yolk, karneng may taba, cold cuts, hot dogs at mga suasages, bacon, mga de lata, at pritong pagkain.
No 3: kumain ng maraming gulay: mababa ang calories nito ngunit mayaman sa vitamins, minerals at fibers na nakaka-pagpababa ng blood cholesterol. ang prutas at gulay ay may marami ding pyto chemicals na panangga sa cardiovascular disease. kung marami kayong gulay at prutas na kinakain mababawasan ang dami na kinakaing karne at ibang pang masasamang pagkain.
No. 4: piliin ang whole grains. ito ang mga grains na mayroong pang bran pagkatapos ng milling. marami din itong vitamins, minerals at pytochemicals. ang ilan nito ay brownrice, oatmeal, whole wheat flour, at whole grain pasta. iwasan ang junk foods, muffins, doughnuts, cakes, pies, buttered popcorn, chips, etc.
No. 5: ugaliin ang moderation at balanced diet: kahit alam na kung alin ang mabuting pagkain, kailangan pa rin na iwasan ang sobrang pagkain, liitan ang mga portions o sizes at tiyakin na ang kinakain ay sapat sa bitamina, minerals at iba ibahin ang menu sa loob ng isang linggo.
Tandaan eat healthy to avoid being a victim of cardiovascular disease stroke and heart attack.. bon appetite
Ano ang pinakamalaking dahilan ng sakit sa puso? cholesterol? paninigarilyo? masamang pagkain? walang exercise? katabaan? sobrang inom ng alcohol? mali!!! ang limang binanggit ko ay tiyak na dahilan ng sakit sa puso at ugat, ngunit mayroon pang mas masama dito. katigasan ng ulo!
Ito ang napatunayan ng malawakang follow up study na ginawa sa mahigit 42,00 men na may edad na 40 hanggang 75 anos sa pamamahala ni DR.. Stephanie E. Chiuve ng harvard school of public health sa Boston, Mass. kalalabas ng resulta nitong july 2006 lamang.
Napatunayan ang sumusunod: prevention ng unang heart attack ang pinaka
importante dahil pag naheart attack na ang tao ibang iba na ang buhay nito. ang pinaka revealing ay ang finding na 4% lamang ng mga educated, at mot-ivated professional men ang sumunod sa limang patakaran upang maiwasan ang heart disease: no smoking, healthy eating, minimal alco-hol, tamang timbang at regul-ar exercise.
Suma total matigas ang ulo ng karamihan ng mga lalake na sinurvey. ang resulta, 2,183 sa kanila ang nagkaroon ng fatal coronary heart disease samantala ang mga sumunod sa limang healthy habits, 87% sa kanila mas mababa ang risk sa coronary heart disease.
Malinaw na 62% ng coronary disease ay naiwasan sana kung sumunod lamang sila sa limang payo upang makailag sa sakit na ito.kahit yong may iniinom na gamot laban sa alta presiyon at cholesterol, 57% sa kanila ang dapat nakaiwas sa heart attack kung nakinig lamang sila at sinunod ang 5 healthy lifestyle recommendations.
Yong mga sumunod sa kahit dalawa lamang sa limang healthy lifestyle habits ay nakinabang pa rin. bumaba ng 27% ang coronary artery disease sa grupong ito.
Kaya makinig ang lahat ng lalake, pati babae rin. sundin ang limang lifestyle habits: no smoking, magexercise araw -araw, kumain ng wasto, bawasan ang paginom ng alcohol at huwag magpataba.
Huwag bingi at matigas ang ulo, at kung hindi, patay kang bata ka!
Isa sa mga issue ng mga environmentalists laban sa pagmimina ay ang lason na arsenic dala ng mine talings. Ang mine tailings ay tirang material mula sa pagmimina na parang pinong buhangin o putik na may mataas na level ng arsenic.
Ang arsenic naman ay isang uri ng lason na matatagpuan sa kapaligiran lalo na sa mga lugar na may deposito ng ginto, kaya na i-extract ito mula sa mine tailings. Ang arsenic ay ginagamit na pesticide upang proteksyunan ang mga hayop, kahoy, prutas at gulay laban sa mga insekto. Tanyag rin ang arsenic bilang lason dahil noong araw hinahalo ito sa pain upang sugpuin ang mga daga.
Ang epekto nito sa kalusugan ay depende sa dami at tagal ng pagpasok nito sa katawan.
Kapag marami ang intake sa maiksing panahon severe ang epekto nito o maaaring maging sanhi ng kamatayan. Kung katamtaman sa mahabang panahon magiging sanhi ito ng pagbabago ng balat at ilang mga kanser, at pagkasira ng mga maseselang organs. Kapag konti lamang ang intake sa mahabang panahon maaaring kayanin ito ng katawan kaya bale wala itong epekto.
May konting arsenic ang lupa, hangin, kahit ang pagkain, ngunit ang isa sa pinakamataas na konsentrasyon ng arsenic ay nasa mine tailings. Nalalanghap ang arsenic kung kasama ito sa alikabok kaya ang mga nakatira malapit sa mina ay nakalalanghap o nakalulunok ng arsenic.
Upang mabawasan ang exposure sa arsenic sa mine tailings, ipagbawal sa mga bata ang pagkain na nadapuan ng mine tailings. Bawalan rin silang maglaro sa mine tailings mismo. Paliguan at hugasan ng madalas ang mga bata pati na ang kanilang mga kagamitan at laruan. Huwag magtanim ng mga prutas at gulay malapit sa minahan. Hugasang mabuti ang mga gulay at prutas bago kainin. Huwag maligo o kumain ng isda o ano mang uri ng hayop mula sa mga dam na gawa sa mine tailings.
Kung inaakala ninyong nalalason kayo ng arsenic, lalo na ang mga naninirahan malapit sa gold mine, komunsulta sa inyong doktor o dumulog sa pinakamalapit na Health Center o DOH office.
Dalawa ang dahilan kung bakit nasisira ang pagkain: mga microbyo na nasa pagkain at enzymes na bahagi ng pagkain mismo. May mga simple at murang paraan upang mapigil ang pagkasira ng pagkain.
Ang una ay hugasan mabuti ang kamay bago humawak ng pagkain. Ang maruruming kamay ay mabilis na nagkakalat ng mga microbyo na nakakasira ng pagkain at mga microbio na dahilan ng sakit, kagaya ng diarrhea.
Panatiliing palaging malinis ang lugar na pinaghahandaan ng pagkain. Pinakamabuti kung ma-disinfect ito. Kasama dito ang mesa, sangkalan o countertop. Hugasan ang mga ito ng mainit na tubig at punasan ng malinis na basahan. Kung walang mainit na tubig, haluin ang tubig pang linis ng kaunting suka, iodine o chlorine. Tiyakin na ang pampunas ay malinis at disinfected. Iligpit kaagad ang tirang pagkain at itapon angmga ping balotan at dumi.
Tiyakin na ang mga lalagyan ng pagkain katulad ng plato ay malinis. Huwag hugasan ang mga gamit sa maruming tubig.
Hugasan sa malinis na tubig ang mga gulay upang maalis ang chemicals at pesticdes. May mga chemicals na maaring nakakalason at mapanganib sa mga bata.
Ilayo ang pagkain sa mga insekto kagaya ng langaw at ipis, daga at iba pang hayop, pati na mga alaga sa bahay. Ilagay sa sealed containers ang pagkain, luto man o hindi upang di mapasukan ng mga hayop.
Isang napakahalagang paalaala. Madalas tayong nakaka limot na dapat huwag tayong maghanda ng pagkain pag tayo ay may sakit. Lalo na kung ito ay nakakahawa, katulad ng diarrhea, dysentery. Madali nating mahawa ang mga kakain ng mga inihanda natin.
Tandaan, ang mga tirang pagkain ay dapat itago sa malamig na lagayan katulad ng refrigerator o freezer, ganundin ang mga pagkain kaluluto pa lamang. Ang mga mikrobyo ay madaling dumani lalo na kung mainit ang panahon
Sundin ang mga simpleng payong ito, dahil ang malinis na pagkain ay mahalagang bahagi ng kalusugan.
Sa mga panahon na ito pangkaraniwan na ang coronarybypass surgery. ito ang tinatawag na gold standard surgical treatment para sa coronary artery disease.
Katulad ng ibang organs sa ating katawan ang puso ay nangangailangan ng dugo at oxygen upang magtrabaho ng maayos. ang coronary arteries, ang mga ugat na nakapaligid sa puso ang nagdadadala ng dugo at oxygen para sa muscles ng puso.
Pag isa o ilan sa mga ugat na ito ay sumikip, bumara, o masira, mangyayari ang heart attack.
Ang coronary bypass surgery ay gumagamit ng malusog na ugat na galing sa binti, braso, dibdib o sikmura. ikinakabit ito sa ugat na may bara upang may bagong dadaanan dugo.
Sino ang nangangailangan ng bypass? kung ang pagbabago ng lifestyle at mga gamot ay hindi nakakatulong sa iyong coronary artery probem, at nanganganib kang magkaroon ng heart attack, kailangan pagaralan mo at ng iyong doctor kung bypass surgery o ibang paraan katulad ng angioplasty ay nararapat gawin.
Kailangan ang bypass surgery kung: matindi at nakakapanghina ang pananakit ng dibdib dahil kulang sa dugo ang mga muscle ng puso. maaring gawin ang angioplasty: at paglagay ng stent upang maayos ang problema, kung hindi ito oobra,
bypass surgery ang paraan
Kung mayroon kang mahigit sa isang ugat na may bara at ang main pump ng
puso , ang left ventricle ay mahina na; ang left main coronary artery ay sumikip o barado ng todo at kunti na lang ang dugong nakakarating sa left ventricle; o nagkaroon na ng angioplasty o stent na hindi umobra, o yong daitng angioplasty ay nagsara muli.
Pag na bypass na kailangan ang pagbabago ng life style. huwag na manigarilyo, mag ingat sa mga kinakain, mag exercise, kontrolin ang alta presiyon, iwasan ang stress at iba pang mga risk factors. inumin ang mga gamot upang maiwasan ang altapresiyon, ang blood clots at matulungan ang puso na mag trabaho ng maayos.
Na buksan na ang inyong dibdib at dapat alagaang mabuti inyong katawan at kalusogan at kung hindi malamang may take two ang by pass ninyo
Taong 2004, nang maging batas ang republic act (r.a.) 9257 o expanded senior citizens act na pumalit sa r.a. 7432. Ang malaking pinagkaiba ng r.a. 9257 sa r.a. 7432, ay ang pag-alis ng panukala na huwag humigit sa 60,000 pesos sa isang taon ang kinikita ng senior citizen upang mag qualify sa mga benepisyo na isinasaad para sa senior citizens.
Sa republic act 9257, kailangan lamang na ang isang tao ay may gulang na 60 taon, at may valid id. Card mula sa tanggapan ng alkalde ng kanyang bayan.
Sa batas na ito mas malinaw ang mga biyaya para sa ating mga nakatatanda. Halimbawa, nakatala ang mga bilihin at serbisiyo na binibigyan ng 5, 20, at 50% discounts para sa senior citizens.
Alinsunod sa batas, ang dept. Of trade and industry at department of agriculture ay nag-issue ng kaukulang administrative order na magbigay ng 5% discount sa mga basic necessities at prime commodities katulad ng sardinas, tuna, asukal, gatas, kape, tinapay, mantika, de latang karne, bar soap, detergent, ready to cook, pork, beef at chicken, mais na pangluto, bigas, isda, iba’t- ibang pagkaing dagat, itlog, karneng baka, baboy at manok, gulay, sibuyas at bawang. Huwag lang sumobra sa p650 ang pinamimili sa loob ng isang linggo.
20% discount naman sa hotels, restoran, at recreation centers, gamot na ibinebenta ng hospital, botika, optical clinics, diagnostic at laboratory fees, professional fees ng mga doctor. 20% discount din ang pasahe sa tren, bus, jeepney, taxi, domestic air at sea travel, skyways, admission fees sa sine, centro ng cultura at pati rin ang funeral services.
May nakalaang 50% discount sa bayad sa tubig at koryente para sa mga accredited ng dswd at certified ng dswd regional offices na mga senior citizens centers o residential care/group homes, na ang tanging layunin ay alagaan ang mga naulila at walang tirahang senior citizens. Kailangan lamang rehistrado sila sa securities & exchange commission at accredited ng dswd, operational na ng anim na buwan, may hindi bababa sa anim na senior citizens na inaaruga buong araw, at may hiwalay na metro sa kuryente at tubig.
Sa susunod na episode ipagpatuloy natin ang pagpapaliwanag ng iba pang mga benepisyo para sa mga senior citizens sa ilalim ng expanded senior citizens act.
Samantala para sa mga nais magtanong o magreklamo, sumulat sa national coodinating & monitoring board na nagmomonitor ng implementation ng expanded senior citizens act. Maari din kayong bumisita sa website ng (ncmb sa) http://ncmb.dswd.gov.ph
Maraming benepisyo ang nakalaan para sa mga senior citizens sa ilalim ng expanded senior citizens act, ang r.a. 9257. Kailangan lamang may 60 taon na kayo, may i.d. mula sa tanggapan ng mayor ng lungsod, at alam ninyo kung ano ang mga biyayang ito at kung paano ito hihilingin.
Halimbawa, nakatala ang mga bilihin at serbisyo na pwede ang 5, 20, at 50% discounts sa batas ukol sa senior citizens. Sa ilalim ng dti administrative order # 03 dapat bigyan ng 5% discount sa sardinas, tuna, asukal, gatas, kape, tinapay, mantika, de latang karne, bar soap at detergent, ready to cook, pork, beef at chicken. Sa ilalim naman ng da administrative order # 37, maaring humingi ng 5% discount sa mais na pangluto, bigas, isda, at mga pagkaing dagat, itlog, karne baka, baboy at manok, gulay, sibuyas at bawang. Ang discount ay ibinibigay sa mga pamilihing ito na hindi sosobra sa 650 pesos sa isang linggo.
May 20% discount sa mga hotels, restoran, at recreation centers, gamot na ibinebenta sa hospital, botika, optical clinics; medical at dental services, diagnostic at laboratory fees, professional fees ng doctor, pasahe sa tren, bus, jeepney, taxi, domestic air at sea travel, skyways, admission fees sa sine, mga sentro ng cultura at dibersiyon pati rin ang funeral service.
Ang 50% special discount ay para sa mga accredited senior citizens centers o residential care/group homes na ang tanging layunin ay alagaan ang mga naulila at walang tirahan na senior citizens. Nagoperate na ng anim na buwan, may anim na senior citizens na inaaruga, at may hiwalay na metro sa kuryente at tubig. Kailangan
Lamang na rehistrado ito bilang non-profit/nonstock corporation sa sec at accredited ng dswd.
May mga libreng serbisyo medical at dental, diagnostic at
Laboratory procedures sa lahat ng facilities ng gobyerno; educational assistance sa mga kwalipikado; tuloy-tuloy na benepisyo mula sa gsis, sss, at pag-ibig, kasama din ang paglagay ng express lane sa pribadong commercial at government establishments. Na isinasaad ang expanded senior citizens act.
Ang batas na nagbibigay ng benepisyo sa mga ‘senior citizens, ay ang expanded seniors citizen’s act, r.a. 9257. Na pumalit sa dating r.a. 7432.
Sa bagong batas na ito mas madali magqualify para makamit ang mga benepisyo. Kailangan lamang may 60 taon na kayo at may i.d. mula sa tanggapan ng mayor ng lungsod.
Kailangan ang i.d. ay mula sa office of senior citizens affairs o osca. Kailangan din iprisinta ang purchase booklet at reseta kapag bumibili ng gamot. Kailangan din ang isa pang purchase booklet pag bumili ng mga sardinas, corned beef, sabon, gatas, karne, isda, bigas, mais, itlog at luncheon meat at mantika.
Mas malinaw pati ang mga sinasaad na biyaya sa r.a. 9257. Lalo na ang discounts sa mga pangangailangan ng seniors. Nasa batas mismo ang mga bilihin at serbisyo na may 20% discount, kagaya ng gamot, pagkain sa restoran, mga serbisiyo medical, palibing, pasahe sa eroplano, barko o sasakyan panglupa, at iba pa.
Inuutos din nito sa pamahalaan na bigyan ng discount ang senior citizens pag bumili ng prime commodities kaya nag-issue ng administrative orders ang depts. Of trade at agriculture. Na nag-uutos na bigyan ng 5% discount ang seniors pagbumili ng: sardinas, corned beef, sabon, gatas, karne, isda, bigas, mais, itlog, luncheon meat at mantika.
May special 50% discount naman sa kuryente at tubig na nakalaan para sa mga residential care centers at senior citizens centers na rehistrado sa sec at accredited ng dswd.
Ang namamahala ng implementasyon ng r.a. 9257 ay ang national inter-agency coordinating & monitoringboard o ncmb. Ang chairman nito ay ang dswd; vice-chair ang dilg; members naman ang doj, doh, coalition of services for the elderly (cose); louie de marillac foundation, federation of senior citizens associations of the phils (fscap); alliance of retired postal employees & senior citizens (arpes); at veterans federati0n of the phils. (vfp). May ncmb sa 16 na rehiyon.
Ang mga reklamo ay maaring ipadala sa doj, dswd, dilg o sa mga provincial, city or municipal trial courts katulong ang office of senior citizens affairs (osca) sa kanilang locality.
Proseso sa pag-file ng complaint. (please see attached)
Ang lumabag sa r.a. 9257 ay: maaring multahan ng p50,000 hanggang p100,000 pesos at pagkabilanggo ng anim na buwan hanggang dalawang taon. Ang mga kasunod na paglabag ay mumultahan ng p100,000 hanggang p200,000 pesos at pagkabilanggo ng dalawa hanggang anim na taon. Ang corporasyon ay maaring matanggalan ng business permit, permit to operate o prankisa.
Ang sino mang senior citizen na umabuso ng prebilihiyo na ibinibigay ng batas ay mumultahan ng p5,000 pesos ngunit hindi hihigit sa p50,000 pesos at pagkabilanggo ng hindi kukulang sa anim na buwan. Kung siya ay dayuhan idideport siya kaagad pag nasentensyahan.
Igalang at pagmalasakitan natin ang ating mga senior citizens. Ibigay ang nararapat na biyaya sa kanila alinsunod sa batas at bilang pasasalamat sa kabutihang nagawa nila para sa ating lahat.
Ang skin cancer ay uri ng sakit kung saan may malignant cells na tumubo sa outer layers ng balat. Mayroong 2 layers ang balat. Ang pang itaas o epidermis, na mayroong tatlong uri ng cells, ang flat o squamous cells; ang round o basal cells at ang melanocytes na siyang nagbibigay ng kulay sa balat. (what’s the second layer?)
Ang skin cancer ay sanhi ng over expsoure sa init o ultra violet rays, sunburn, heredity at environment.
Sa katagalan, ang kabuoan ng uv light, at sun burn na natamo ng isang tao maaring mauwi sa cancer. Mas malamang magkaroon ng skin cancer ang isang taong my kamag anak na nag karoon na nito. Ang mga nakatira sa matataas na lugar, malalapit sa equator, ay mas matinding tinatamaan ng ultra violet light at init. Ang reduction ng ozone layer ay may masamang epekto din.
Mas malamang magka skin cancer ang mga maputi. Ang skin cancer ay maaring tumubo kahit sa aling bahagi ng katawan ngunit mas madalas ito ay matagpuan sa mukha, leeg, kamay, at braso. Iba-iba na rin ang itsura ng mga ito.
Ang pinaka madalas na sign ng skin cancer ay ang pagbabago sa balat katulad ng growth o lump na ayaw mawala, ang lump na ito ay makinis, makintab at waxy. Maari ding flat spots ito na magaspang at mapulapula o brown ang kulay. Kung mayroon kayong mga ito kumunnsolta sa doktor.
May ilang uri ng skin cancer: ang pinaka common ay ang basal cell cancer at squamous cell cancer. Ang pinaka serious ay ang melanoma dahil agresibo ito. Mas malamang ito sa mga adults at minsan lang sa mga bata at teenagers.
Kailangang maaga malapatan ng gamot ang melanoma dahil mabilis ito kumalat sa ibang bahagi ng katawan through the lymph system o sa dugo.
Iwasan ang skin cancer huwag masiyadong magbilad sa araw lalo na kung matindi ang init. Maglagay ng sunscreen na at least may spf-15, sa mukha at sa ibang bahagi ng katawan na tinatamaan ng araw. Kung maari dapat natatakpan ng damit ang mga bahaging ito. Nakakatulong din ang mag sumbrero. At ang huling babala: ingatan ang mga bata mas madali silang masunog sa araw.
Mayroong bagong batas na nagpapatibay ng karapatan ng kabataan na 18 years old or below na may suliranin sa batas. Ito ang juvenile justice and welfare act of 2006, r.a. 9344. Ang buod ng batas ay ang paglilinaw na ang mga batang wala pang labing walong taon na lumabag sa batas ay mga biktima ng pangyayari o circumstance beyond their control kaya kailangan silang tulungan upang pangalagaan ang kanilang karapatang mabuhay at lumaki ng maayos, at magkaroon ng pagkakataong magbagong buhay at bumalik bilang kapaki-pakinabang na kasapi ng lipunan.
Itinaas ng bagong batas sa labing limang taong gulang ang tinatawag na age of criminal responsibility, mula sa dating siyam na taon na itinatakda ng lumang batas.
Noong araw ang mga batang may suliranin sa batas o children in conflict with the laway inaaresto, hinahabla sa korte at ikinukulong kasama ang mga adult criminals. Sa ilalim ng bagong r.a. 9344, tahasang ipinagbabawal ang pagkulong sa piitan, at pagpataw ng parusang kamatayan, ano man ang edad. Sa halip iniuutos nito ang mga alternatibong pamamaraan ng kaparusahan, pinagtitibay ang mga local councils for the protection of children at binuo ang nat’l. Council on juvenile justice and welfare.
Nililinaw din ng bagong batas na, hanggang labing limang taon, ang mga bata ay inocente pa at na sa gulang na sila’y mausisa, at nais subukan ang lahat ng bagay. Hindi pa sila emotionally stable at mahina ang sense of good judgment. Ang resulta nalalabag nila ang batas ng hindi sinasadya, kaya dapat exempted sila sa criminal liability.
Ano ang mangyayari sa mga batang 18 years and below na lumabag sa batas, lalo na iyong mga nagkasala nga heinous crimes katulad ng murder o rape?
Kagaya ng nasabi ko kanina ipinag-babawal ng bagong batas ang pag-bilanggo sa mga batang nagkasala kahit ng heinous crime kung sila ay 18 years old or below.
Kaya ang tanong, bale wala na lang ba ang pagkakasala ng mga ito pati ang karumaldumal na mga krimen kagaya ng rape at murder? Di ba’t parang kinokonsenti ng bagong batas ang paglabag sa batas ng mga kabataan sa halip na sila’y mahintakutan kung sila’y mahaharap sa kaparusahan? Hindi kaya pagsasamantalahan ng mga masasamang elemento at gagamitin ang mga bata sa pagawa ng iba’t ibang katiwalian at mga krimen?
Kung hindi sila mabibilanggo, ano ang mga paraan upang matutuwid ang kanilang pagkakamali?
Sasagutin natin ang mga tanong na ito sa susunod na episode ng ating infomedico at iba pa.
Samantala kung may alam kayong mga batang labing walong taon ang gulang o mas bata pa, nagkasala sa batas at ngayon ay nakakulong, ito ay hindi dapat mangyari sa ilalalim ng batas 9344, ang juvenile justice and welfare act.
Ipaalam kaagad sa pinakamalapit na tanggapan ng dswd, upang matulungan kaagad na mailabas sa piitan at mabigyan kaagad sila ng kaukulang tulong
Ang batas r.a. 9344, ang juvenile justice and welfare act of 2006, ang siyang umiiral sa ngayon pagdating sa mga batang may suliranin sa batas, o ang tinatawag na children in conflict with the law, o cicl.
Ang buod nito ay nagsasaad na ang mga batang wala pang labing walong taon na may suliranin sa batas ay biktima ng pangyayari o circumstances beyond their control. Ipinaliliwanag din ng batas na ito na hanggang labing limang taon, ang mga bata ay inosente pa, mausisa, at nais subukan ang lahat ng bagay. Hindi pa sila emotionally stable at mahina ang sense of good judgment kaya dapat exempted sila sa criminal liability.
Kailangan tulungan silang maalagaan ang kanilang karapatang mabuhay, lumaki ng maayos, at magbagong buhay upang maging kapaki-pakinabang na kasapi ng lipunan.
Ang mga bukod tanging provisions ng r.a.9344 ay: itinataas nito ang gulang ng mga cicl na nagkasala nang hindi nila alam ang kanilang ginagawa, mula siyam na taong gulang hanggang 15 taon; pagbabawal ng pagkulong sa piitan. Sa halip iniuutos nito ang mga
Alternatibong pamamaraan ng ka-parusahan, pinagtibay ang mga local councils for the protection of children at binuo ang national juvenile justice and welfare council (jjwc).
Maraming nag-aalaala na parang kinukunsinti ng r.a. 9344 ang paglabag sa batas ng mga kabataan, sa halip na sila’y mahintakutan kung sila’y mahaharap sa kaparusahan. Hindi kaya pagsasamantalahan ng mga masasamang elemento at gagamitin ang mga bata sa iba’t ibang katiwalian at mga krimen?
Bale wala na lang ba ang pagkaka-sala ng mga ito lalo na sa mga karumal-dumal na mga krimen katulad ng rape at murder?
Upang malaman ng lahat, ang mga batang 15 years and below, at lampas sa 15 ngunit below 18 years na nagkasala na hindi nila alam na mali ang kanilang nagawa ay mapapasailalim ng tinatawag na intervention program, upang mabago ang kanilang behavior, attitude at values, at mabago ang kanilang anti-social behavior.
Samantala ang batang mahigit sa 15 years old na nagkasala na alam niya ang kanyang ginagawa, at ang kasalanan ay may hatol na pagka-bilanggo na mahigit sa anim na taon, katulad ng murder o rape ay dadaan sa paglilitis. Maaring hatulan siya ng suspended sentence at ipapasailalim sa reha-bilitation program dahil bawal siyang ibilanggo.
Isang halimbawa ng isang cicl na nabigyan ng pagkakataong makapag bagong buhay ay si rommel (hindi niya tunay na pangalan) na naakusahang nangghasa ng dalawang batang babae. Siya ay 12 taong gulang nang gawin ang krimen noong oktubre 2001.
Si rommel ay dinala sa dswd regional rehabilitation center for the youth (rrcy), isang residential institution na nagbibigay ng pangangalaga at rehabilitasyon sa mga cicl na lalaki sa magalang, pampanga.
Malaki ang ipanagbago ni rommel habang siya’y nanatili sa rrcy. Isinaad ni vilma serrano, head social worker ng rrcy na naging aktibo si rommel sa pagsali sa ibat’-ibang activities sa center at nabigyan pa ng award bilang “most talented resident.”
Ipinagpatuloy ni rommel ang kanyang pag-aaral at nakatapos ng high-school habang nasa rehabilitation program.
Ngayon, si rommel ay isang third year college student sa kursong bachelor of science in agriculture, major in management.
Sang-ayon sa datos na nakuha sa juvenile justice welfare council mayroong 4,039 cicls sa buong bansa as of july 31, 2007.
Sa bilang na ito, 1,378 ang kasalukuyan pang nasa piitan habang hinihintay ang court orders para sa kanilang paglaya.
Inaasahan ko na sa lalong madaling panahon, ang mga batang ito ay makakauwi na sa kanilang mga pamilya o di kaya sa mga bahay pag-asa na ipapagawa ng gobyerno para sa kanila.
May provision din ang r.a. 9344 na nag-uutos sa bawat lgu, sampu ng mga partners nito, kasama ang dswd, na gumawa ng preventive at developmental programs para sa mga batang in conflict with the law pati na ang kanyang pamilya upang maisakatuparan ang nararapat na intervention program. Dapat mailihis ng naturang programa ang lakas at sigla ng mga bata patungo sa mga makabuluhang gawain at maituro sila sa wastong landas.
Itinatag ng r.a. 9344 ang juvenile justice and welfare council, kung saan ang dswd ang tagapangulo, sa ilalim ng administrative supervision ng department of justice. Tungkulin ng jjwc na pangasiwaan ang implementasyon ng r.a. 9344 pati na ang pagpayo sa presidente sa lahat ng bagay na may kinalaman sa juvenile justice and welfare.
Ang ibang kasapi ng juvenile justice & welfare council ay ang depts. Of education, interior and local government, council for the welfare of children, commission on human rights, national youth commission at dalawang kinatawan ng non-government ogranizations.
Ang lahat ng batang lumabag sa batas na nasa gulang na sakop ng r.a. 9344 ay napasailalim ng jjwc, at ang tagapagkupkop ay ang dswd.
Sa ating lipunan, ang mga bata ang pinaka vulnerable sa pagsasamantala, pang-aabuso at diskriminasyon. Kaya marami na ang pinaiiral na proklamasyon katulad ng convention on the rights of the child, at mga batas katulad ng child and youth welfare code at special child protection act na ipinasa upang pangalagaan at ipagtanggol ang karapatan ng mga bata.
Ang mga ito ay nagsasaad ng mabibigat na kaparusahan sa sinumang lalabag sa mga probisyon nito.
Iba’t ibang uri ang child abuse.
1. Physical abuse o intentional na pananakit sa bata na nauuwi sa mga sugat, bali, paso, atbp.
2. Psychological abuse kung saan ang emosiyonal at intellectual na kalagayan ng bata ang nasisira, dahil sa pagmumura, panglalait, at pag alipusta.
3.Ang pagpapabaya, o neglect, ito ang sadyang hindi pagbibigay ng mga pangangailangan ng bata tulad ng pagkain, damit, edukasiyon, pabahay, gamot, medical care, pangkalahatang pagkalinga, at pagkukulang sa pamamahala o supervision. Ng mga magulang, at guardians.
4. Ang sexual abuse at pagsasamantalang sexual. Ito ang paghimok, paghikayat o pananakot sa bata upang piliting makipagtalik. Ang pagtulong sa ibang tao upang makatalik, mamolestiya ,o maipasok ang bata sa prostitution ay kabilang din sa sexual abuse.
Napakasama ng epekto ng child abuse sa physical at psychological growth ng bata. Ang physical effect ay malnutrition, sexually transmitted diseases, pagbubuntis, physical disability o di kaya kamatayan.
Ang psychological effects naman ay learning disorders, severe depression, suicidal tendencies, emotional breakdown, mababang self image, pagkatakot, at iba pa.
Maging sensitibo tayo sa ganitong uri na paglapastangan sa mga bata. Gawin ang lahat upang masugpo ito.
Abangan ang susunod na mga episode ng infomedico atbp. Kung saan tatalakayin natin ang iba pang mga aspeto ng child abuse katulad ng mga palatandaan ng bata na biktima ng child abuse, at sino ang maaring magsumbong at kung saan idudulog ang mga reklamo tungkol dito.
1. Physical abuse kung saan sinasaktan sa katawan ang bata at nagiging sanhi ng mga sugat, bali, paso, o di kaya kamatayan.
2.ang abusong psychological tulad ng pagmumura, panglalait, pag-alipusta, pagtataboy, etc na may epekto sa emotion at kaisipan ng bata na nuuwi sa depression, anxiety, at suicidal tendency.
3. Ang neglect o kapabayaan ng mga nagaalaga o mga magulang kasama na ang pagkakait ng mga basic na panganga-ilangan tulad ng pagkain, damit, edukasi-yon, medical care, atbp;
4. Ang sexual abuse o pagsasanmantala sa pamamagitan ng pagtakot, paghimok, pag-alok ng pera o mahalagang bagay upang pumayag ang batang makipagtalik, molestiyahin o ipasok sa prostitution
Ano ang mga palatandaan ng bata na biktima ng pangaabuso?
Ang biktima ng physical abuse ay madalas mayroong di maipaliwanag na mga tama sa katawan katulad ng pasa, iba’t ibang uri ng sugat, bali, paso, at iba pa.
Malaki ang pagkakaiba ng kilos o behavior, ng abused child, tulad ng labis na pagkatakot, pagkaagresibo, pagkamalilimutin, pagkatulala, at pagnanais ng kamatayan.
Hindi madaling magtapat ang mga naabusong bata. Kaya narito ang ilang payo:
Pag-isipan mabuti ang approach upang hindi ito matatakot ibunyag ang nangyari; kailangan malumanay at casual ang pananalita; kausapin ito sa pribadong silid upang walang interruptions; ipakita ang inyong concern habang siya’s nagsasalaysay, makinig ng mabuti at ipakita na may tiwala kayo sa kanya bilang patunay ng inyong pagmamalasakit.
Kung ang bata ay magtapat na siya ay inaabuso tandaan ang mga sumusunod:
Maging mahinahon at pabayaang maikwento ang nangyari; huwag magmadali at iwasan ang masyadong maraming tanong; sabihin sa kanya na wala siyang kasalanan o masamang nagawa; be supportive, kunin lamang ang pinakaimportanteng datos tungkol sa nangyari dahil may susunod pang masusing inbestigasiyon.
Magreport kaagad sa pinakamalapit sa alinman na tanggapan ng dswd o tumawag sa telepono bilang 734-8635 (crisis intervention unit-dswd-ncr); himpilan ng pulis; sa nbi, sa commission on human rights; sa department of justice task force on children’s protection.
Tandaan ang child abuse ay isang krimen. Mabigat ang kaparusahan sa mga gumagawa nito. Bantayan, punahin
Maging alerto sa mga palatandaan nito upang sugpuin ito.
Ito ang ikatlong yugto ng usaping child abuse. Sinabi natin sa mga nakalipas na episodes, na may apat na uri ng child abuse. Ang mga ito ay:
Physical o pananakit, psychological o pangungutya, pagpapabaya o neglect at ang sexual abuse o pagsasamantalang sexual.
Maraming mga kasulatan at batas ang nagbibibay proteksiyon sa mga kabata-an katulad ng convention on the rights of the child, child and youth welfare code at special child protection act. Ang lahat ng ito ay nagsasaad na ang child abuse ay isang karumaldumal na krimen at papatawan ng mabibigat na parusa ang mga gagawa nito.
Pag ang bata ay madalas mayroong pasa, paso, bali at mga sugat na di maipaliwanag, laging takot, palaging galit, malalim ang pagiisip at may suicidal tendency; maaring biktima siya ng pangaabuso.
Kausapin siya kaagad ng mahinahon sa isang pribadon lugar, at pakinggang mabuti ang kanyang salaysay.huwag siyang pagmamadaliin, ipaalam sa kanya na wala siyang kasalanang nagawa upang mapanatag ang kanyang kalooban, kunin lamang ang importanteng datos habang iniiwasan ang labis na pagtatanong.
Sino ang maaring mag-report ng kaso ng child abuse?
Kahit sinong may alam na ang isang bata ay biktima ng pang-aabuso; kahit sinong kawani ng pamahalaan na ang tungkulin ay may kinalaman sa welfare ng mga bata; mga pinuno ng pribado o publikong ospital,
medical clinic; mga doktor, at mga nurses.
Saan maaring idulog ang sumbong tungkol sa child abuse?
Itawag lamang ang pangalan atkungsaan nagaganap ang pang-aabuso sa dswd-national capital region sa telepono bilang 734-8635 para sa mga taga-metro manila o sa pinakamalapit na national, provincial or municipal/city social welfare office; sa pinakamalapit na himpilan ng pulis; sa nbi o national bureau of investigation; sa commission on human rights; sa department of justice task force on children’s protection.
Huwag mag alala o matakot ang biktima at ang nagbigay ng report dahil agad silang bibigyan ng kaukulang tulong gaya ng pagsasailalim ng biktima sa protective custody ng dswd. Magtatalaga din agad ng expert counselors; bibigyan din siya ng medical attention pati psychological at psychiatric assistance, legal services, educational at vocational services. Maari ding isailalim ang batang biktima sa child placement services katulad ng residential care o temporary shelter, foster care at adoption.
Huwag magatubiling isumbong ang pang-aabuso sa kabataan. Sila ang ginto sa ating kinabukasan.
Huwag maniwala na hindi masama ang marijuana at may kabutihan na nadudulot ito. kabuoan, salot ito lalo na sa mga kabataan! narito ang mga katotohanan:
Ang active chemical sa marijuana as ang thc o delta-9- tetrahydrocannabinol. ito ang may sanhi ng tinatawag na “high” ng mga gumagamit nito.ang epekto at paninira ng
marijuana ay nakatuon sa utak, baga, at pagkasira learning process at normal social behavior.
Napagalaman sa research na binabago ng thc ang pagpasok ng mga impormasiyon papunta sa centro ng utak. na may kinalaman sa memory, learning, perception, problem solving at integration ng sensory experiences katulad ng emotion at motivation. ang thc ay nagpapataas din ng heart rate at sanhi ng panic attacks.
Ang epekto nito sa baga ay matindi din. ang regular user ng marijuana ay nagkakaroon din ng mga problema katulad ng mga smokers ng tabako: ubo, plema, chronic bronchitis, at chest colds. ang dami ng tar at carbon monoxide na nalalanghap ng marijuana smoker ay three times ang dami kay sa tobacco smokers. dahil malalim ang inhalation at pinatatagal nila ang usok sa loob ng baga.
Sa learning at social behaviour naman, may research na ginawa sa mga college students at napatunayan na nasisira ang attention, memory at learning process ng heavy marijuana users dahil binabago ng thc ang brain activity ng heavy users. kaya mas mababa ang kanilang achievement tinatanggap nila kahit masasama o malalaswa ang galaw o pananalita, marebelde sila, at ang kanilang mga kabarkada ay mga adik din.
Huwag magpaloko. masama ang marijuana. madaling ma hook ang mga bata at mauuwi ito sa masasamang bisyo katulad ng irresponsible sex, petty crime, paglustay ng tuition money pati sa aggression, depression at anxiety.